^

Police Metro

‘Mario’ nag-iwan ng tambak na basura sa Manila Bay

Pang-masa

MANILA, Philippines - Trak-trak ng basura na  inanod sa Manila Bay mula Biyernes hanggang kahapon ng umaga ang tumambak nang manalasa ang Bagyong Mario at Habagat.

Sa Roxas Boulevard malapit sa bakuran ng US Embassy, tambak ang plastic, styrophore at iba pang basura ang pinag-agawan ng mga mangangalakal.

Itinulak din ng malalaking alon at nailapit sa breakwater ang luma at sira-sirang barko na M/V Captain UFUK Panama. 

Sinabi ni Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson Armand Balilo, nasa 50 metro na lamang ang layo ng barko sa breakwater.
Tinawagan na nila ang towing company na kinontrata ng Bureau of Customs (BOC) upang muling ilayo ang barko sa breakwater at maiwasan ang anumang aksidente. 
Ang M/V UFUK ay nasabat ng mga tauhan ng BOC sa karagatan ng Bataan noong 2010 dahil sa mga karga nitong ilegal na baril.- Lordeth Bonilla-

ANG M

ARMAND BALILO

BAGYONG MARIO

BIYERNES

BUREAU OF CUSTOMS

LORDETH BONILLA

MANILA BAY

PHILIPPINE COAST GUARD

SA ROXAS BOULEVARD

V CAPTAIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with