^

Police Metro

Magkaibigan nalunod sa ilog

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nauwi sa malagim na trahedya ang outing ng magkaibigan kasama ang kanilang mga nobya matapos na malunod ang sa isang ilog kamakalawa sa Gen. Trias, Cavite.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Jedel Ca­rillo, 28, construction worker at Rex Enopiquez, 22,warehouseman, kapwa stay-in employee ng Rio De Oro Subdivision, Brgy. Buenavista 1, Gen. Trias, Cavite.

Sa ulat, bago nangyari ang insidente dakong alas-2:00 ng hapon ng nagkayayaan ang magkaibigan na mamingwit sa Binigtal River na matatagpuan sa Brgy. Buenavista 1.

Habang namimingwit ay na-engganyo ang magkaibigan na maligo sa ilog nang bigla na lamang lumakas ang agos ng ilog at tinangay si Carillo at nadala sa malalim na bahagi ng ilog.

Agad tinulungan ni Enopiquez  ang kaibigan, subalit sa halip na mailigtas ay kapwa sila ni­lamon ng ilog hanggang sa tuluyang malunod. 

vuukle comment

BINIGTAL RIVER

BRGY

BUENAVISTA

CARILLO

CAVITE

ENOPIQUEZ

JEDEL CA

REX ENOPIQUEZ

RIO DE ORO SUBDIVISION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with