^

Police Metro

Pagkatapos dumalo sa hearing… Mister patay, kapatid na konsehala sugatan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Napaslang ang isang mister habang sugatan naman ang kapatid nitong konsehala makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakilalang maskarado at armadong riding in tandem sa isang gasoline station sa Lipa City, Batangas kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang nasawing biktima na si Arvin Matibag Loria, dead on the spot sa tinamong mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan, habang isinugod naman sa Metro San Jose Hospital si Geraldine Loria Yu, konsehal ng bayan ng Cuenca dahil sa tama ng bala sa kaniyang hita.

Ayon sa pulisya naganap ang pamamaril sa magkapatid sa Brgy. Banay-Banay ng lungsod dakong alas-5 ng hapon kung saan habang nakapila sa gasolinahan ang mga biktima ay biglang nilapitan ng mga suspects  na nakasuot ng kulay itim na helmet at pinagbabaril.

Napag-alaman na kadadalo lamang ng magkapatid sa paglilitis ng korte hinggil sa kaso ng illegal possession of firearms na isinampa laban kay Loria ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Batangas ng mangyari ang insidente.

Una ng nakakatanggap umano ng death threats ang konsehala kaya nagpa-escort sa kapatid.

Matapos  ang insidente ay mabilis na nagsitakas ang mga suspects  patungo sa hindi pa malamang destinasyon. Isinasailalim pa ng mga awtoridad sa masusing imbestigasyon ang motibo ng krimen.

vuukle comment

ARVIN MATIBAG LORIA

AYON

BANAY-BANAY

BATANGAS

BRGY

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

CUENCA

GERALDINE LORIA YU

LIPA CITY

METRO SAN JOSE HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with