^

Police Metro

Misis na pipi’t bingi kinatay ng piping mister

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dead-on-the-spot ang isang 28-anyos na misis na pipi at bingi nang siya ay ataduhin ng saksak ng kanyang mister na isa ring pipi nanaganap kamakalawa ng gabi sa Brgy. 9, San Nicolas, Ilocos Norte.

Ang biktima ay kinilalang si Yvette dela Cruz na nagtamo ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nasugatan naman sina Macario dela Cruz, 67-an­yos, biyenan ng ginang at bayaw na si Efren dela Cruz; nasa hustong gulang.

Nadakip agad ang suspek  na si Mark Neil dela Cruz,  mister ng ginang na nakorner ng mga nagrespondeng pulis.

Batay sa ulat, dakong alas-11:00 ng gabi sa loob ng bahay ng mag-asawa sa nasabing lugar nang makarinig ng palahaw ang mag-amang Macario at Efren mula sa kuwarto ng mag-asawa.

Nang puntahan nila ang kuwarto ay nakita nila ang suspek na sinasaksak ang kaniyang misis.

Pinigilan ng mag-ama ang suspek sa pananaksak sa kaniyang asawa kaya nasugatan din ang mga ito.

Lumalabas sa imbestigasyon na naghihinala umano ang suspek na may kalaguyo ang misis kaya pinagsasaksak ito ng kaniyang mister.

 

vuukle comment

BATAY

BRGY

CRUZ

EFREN

ILOCOS NORTE

LUMALABAS

MACARIO

MARK NEIL

SAN NICOLAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with