^

Police Metro

CARAT exercise nag-umpisa na

Randy V.Datu - Pang-masa

SUBIC BAY FREEPORT ZONE , Philippines  - Pormal nang nagsimula kahapon ang taunang pangkaragatang  pagsasanay  sa pagitan ng tropa ng Pilipinas at Amerika sa Subic Bay, bahagi ng West Philippine Sea kung saan may pinag-aagawang teritoryo ang Pilipinas at Tsina.

Ang Cooperation Afloat Readiness and Training (CARAT) sa taong ito ay nakasentro sa mga pagsasanay sa karagatan, kabilang na ang amphibious landing, diving at salvage, at maritime patrol.

Ayon kay Lt. Rommel Rodriguez, tagapagsalita ng Philippine Navy bukod sa Subic Bay ay nakatakdang magsanay ang tropa ng Pilipinas at Amerika sa iba’t ibang bahagi ng Luzon, tulad ng San Antonio sa Zambales, Sangley Point, Ternate Cavite.

Tinatayang 1,000 mga US Navy at Philippine Marines ang kabahagi ng CARAT sa taong ito.

Ipinahayag naman ng Embahada ng Estados Unidos sa Maynila na ang nasabing pagsasanay ay nagpapaigting sa kooperasyong pangdagat ng dalawang bansa.

Bukod sa Pilipinas ay mayroon ding isinasagawang CARAT sa Malaysia at nakatakda rin itong gawin sa Bangladesh, Brunei, Cambodia, Indonesia, Singapore at Timor-Leste bago matapos ang taon.

vuukle comment

AMERIKA

ANG COOPERATION AFLOAT READINESS AND TRAINING

ESTADOS UNIDOS

PHILIPPINE MARINES

PHILIPPINE NAVY

PILIPINAS

ROMMEL RODRIGUEZ

SAN ANTONIO

SANGLEY POINT

SUBIC BAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with