^

Police Metro

P1-M shabu sa banyo ng fastfood restaurant

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Umaabot sa mahi­git sa P1 milyon halaga ng shabu na nakalagay sa bag ang natagpuan sa banyo ng isang fast food restaurant sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Ayon sa ulat, dakong alas-3:30 ng hapon nang matagpuan ng isang crew ng Jollibee-Sangandaan ang isang bag sa banyo.

Kaagad niya itong ipinaalam sa nakatala­gang sekyu na tumawag ng pulis sa pangambang bomba ang laman.

Nang rumesponde ang mga bomb expert ng Caloocan City Police ay siniyasat ang laman at dinala sa ligtas na lugar at nang buksan ay nakita ang mga shabu na aabot sa mahigit isang kilo.

Tinitingnan ng pulis­ya ang kopya ng CCTV upang makilala kung sino ang nag-iwan ng nasabing bag ng shabu.

vuukle comment

AYON

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

ISANG

JOLLIBEE-SANGANDAAN

KAAGAD

NANG

TINITINGNAN

UMAABOT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with