^

Police Metro

Hindi nabigyan ng immunity... Mga ari-arian ni Janet, samsamin na

Pang-masa

MANILA, Philippines - Dapat anyang simulan na ng gobyerno ang hakbang para masamsam ang lahat ng ari-arian ng itinuturong utak ng pork barrel fund scam na si Janet Lim-Napoles.

Ito ang inihayag kahapon ni Senate Majority Leader Alan Peter Caye­tano matapos ibasura ng Office of the Ombudsman ang kahilingan ni Napoles na magkaroon siya ng immunity na pumabor naman sa whistleblower na si Benhur Luy at iba pang testigo sa P10 bilyon pork barrel fund scam.

Bukod dito ay ibinasura rin ng Ombudsman ang  motion for reconsideration na inihain nina Senators Juan Ponce-Enrile, Jose “Jinggoy” Estrada at Ramon “Bong” Revilla, Jr. na nahaharap sa kasong plunder at katiwalian dahil sa paratang na nakinabang sila sa kontrobersiyal na Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam.

Anya, tama lamang ang naging desisyon ng Ombudsman at maari ring kunin ng gobyerno ang ari-arian ni Napoles.

Nakasaad aniya sa Republic Act 6770 at Republic Act 1379,  na may kapangyarihan ang Ombudsman na magsagawa ng isang preliminary investigation sa civil forfeiture base sa reklamo ng isang mamamayang nagbabayad ng buwis.

Kinuwestiyon din ni Cayetano kung may naghain na ng forfeiture case laban sa mga senador na nahaharap sa kasong plunder.

Kumpara aniya sa kasong plunder at graft, mas mabilis na pag-usad ng forfeiture case.

Una nang nagpalabas ng isang freeze order sa mga bank accounts at properties ni Napoles ang isang korte sa Maynila matapos maghain ng “petition for civil forfeiture of assets” ang Anti-Mo­ney Laundering Council (AMLC).

BENHUR LUY

JANET LIM-NAPOLES

LAUNDERING COUNCIL

NAPOLES

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

PRIORITY DEVELOPMENT ASSISTANCE FUND

REPUBLIC ACT

SENATE MAJORITY LEADER ALAN PETER CAYE

SENATORS JUAN PONCE-ENRILE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with