Lacson pinagbibitiw sa puwesto
MANILA, Philippines - Dapat anya na si rehabilitation czar Panfilo “Ping†Lacson ang sumagot sa panawagan na dapat na itong magbitiw na posisyon dahil sa wala naman umanong nagagawa at mas napagtutuunan pa ng pansin ang pork barrel fund scam kaysa sa tulungan ang mga biktima ng bagyong Yolanda.
Ito ang sinabi ni deputy presidential spokesperson Abigail Valte, matapos ang panawagan ng isang grupo ng mga biktima ng bagyong Yolanda sa Eastern Samar dahil wala pa ring nagagawa si Lacson simula ng maupo ito bilang rehabilitation czar.
Ipinahiwatig din ni Valte na hindi makatarungan ang panawagan laban kay Lacson lalo pa’t iginugugol nito halos buong oras niya sa mga biktima ni Yolanda.
Idinagdag ni Valte na hindi naman tama na isiping walang ginagawa si Lacson dahil nagbigay lamang ito ng kanyang statement tungkol sa isang isyu partikular ang pork barrel fund scam.
- Latest