^

Police Metro

Lady customs examiner kulong sa pagsisinungaling

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang lady customs examiner ang hinatulang makulong ng Manila Metropolitan Trial Court  matapos na mapatunayang nagkasala ng 5 counts ng pagsisinungaling o perjury  at paglabag sa anti graft and corrupt practices act o RA 3019.

Sa  desisyon ni Judge Amalia S. tumapos-Ri­ca­­blanca ng MMTC Branch 15 ay pinatawan ng pagkakulong mula apat na buwan at isang araw hanggang isang taon at isang araw sa bawat bilang  ng  kasong perjury at  P25,000 multa ang akusado na si Ana Marie Concepcion Maglasang ng Port of Manila.

Nag-ugat ang parusa  kay Maglasang  sa hindi nito pagdedeklara ng  kanyang statement of assets, liabilities and net worth o SALN ng kanyang mga tunay na kayaman  gaya ng mga sasakyan at mamaha­ling bahay sa mga exclusive subdivision para sa mga taong 1999 hanggang 2003.

Nagsagawa ng lifestyle check ang Department of Finance-Revenue Integrity Protection Service (DOF-RIPS) at nabuko ang mamahaling SUVs na pag-aari ni Maglasang tulad  ng Ford Expedition, Pajeros, mga bahay sa Valle Verde at  Royale Tagaytay Estates  na hindi dineklara sa kanyang SALNs.

Noong  2005, kinasuhan ng DOF-RIPS si Magla­lang at kanyang kapatid na si Matilda C. Millare, dating Chief Customs Operations Officer ng BOC at noong 2006 ay napatunayan ng Office of the Ombudsman na guilty ang magkapatid  sa kasong dishonesty and grave misconduct at sila ay sinibak sa serbisyo.

Kahit na nagbitiw sa serbisyo si Maglasang ay sinabi sa desisyon na hindi pa rin siya makalulusot sa  parusa ng husgado.

Kanselado rin ang kanyang retirement benefits at pinagbawalan na makapagtrabaho sa pamahalaan.

ANA MARIE CONCEPCION MAGLASANG

CHIEF CUSTOMS OPERATIONS OFFICER

DEPARTMENT OF FINANCE-REVENUE INTEGRITY PROTECTION SERVICE

FORD EXPEDITION

JUDGE AMALIA S

MAGLASANG

MANILA METROPOLITAN TRIAL COURT

MATILDA C

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with