P5-M shabu nasamsam sa Zambo airport
MANILA, Philippines - Nasamsam ng mga otoridad ang nasa P5 milÂyon halaga ng shabu sa isinagawang operasyon sa Zamboanga City International Airport kamakalawa.
Ayon kay Chief InsÂpector Ariel Huesca, Spokesman ng PRO 9, kasalukuyang iniinspeksyon ng mga security officer ng paliparan ang mga bagahe nang mapansin ang kakaibang laman ng kahon pagdaan nito sa x-ray machine.
Nang buksan ang laman ng kahon ng cornstarch ay dito na tumambad ang nakatagong shabu na ang dami ay tinatayang aabot sa P 5 M halaga sa merkado.
Ang package ay gaÂling Caloocan City at dadalhin sana sa Bongao, Tawi-Tawi nang mabulilyaso.
Samantala, anim na drug pusher ang nadakip ng PDEA sa magkahiwalay na operasyon sa Ozamis City at Misamis Oriental.
Ang mga suspek ay kinilalang sina Nemesio Rabor, 30; Jim Allen Untal, 24; Reynato Sabanico, 49; Roland Suasin, 38; Christopher Prieto, 31; at Lother Legaspino.
Batay sa ulat, dakong alas-9:00 ng gabi nang maaresto sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Marissa P. Estabya ng RTC Branch 44, Initao, Misamis Oriental na nagresulta ng pag-aresto kina Rabor at Untal.
Alas-10:30 ng gabi nang maaresto sina Sabanico, Suasin, Prieto at Legaspino sa isang buy bust operation sa Purok 2, San Roque, Ozamis City.
- Latest