^

Police Metro

Buong puwersa ng MPD-Barbosa-PCP sinibak

Doris Franche-Borja, Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Matapos na mahuli sa aktong natutulog ang mga pulis at marumi pa ang kanilang istasyon ay sinibak sa puwesto  ni Manila Police District (MPD)  Director Chief Supt. Rolando Asuncion ang buong puwersa ng  MPD-Barbosa Police Station kahapon ng umaga sa Quiapo, Maynila.

Inalis sa puwesto sina  Barbosa-PCP commander Chief Insp. Joselito De Sesto, kanyang  deputy na si  Insp. Joel Guimpatan at 19  pang pulis.

Ayon kay Asuncion, papunta na siya sa kanyang opisina nang maisipan lamang niya na magtungo sa  Barbosa  PCP  upang  makita ang mga pulis Maynila na may disiplina.

Nagkunwari si Asuncion na magpapa-blotter na  agad siyang pinalapit ng sarhento de mesa at hindi siya nakilala nito.

Nakita ni Asuncion na may mga natutulog, ash tray, bote  na nakakalat sa sahig kaya’t kinunan niya ito ng  video gamit ang kanyang  cellphone.

Subalit, isa sa mga pulis ang nakakita sa kanya at sinita kaya’t dito na nagpakilala si Asuncion bilang district director at inutos na magsilabas ang lahat ng mga pulis na agad namang  nagsagawa ng formation.

vuukle comment

ASUNCION

BARBOSA

BARBOSA POLICE STATION

CHIEF INSP

DIRECTOR CHIEF SUPT

JOEL GUIMPATAN

JOSELITO DE SESTO

MANILA POLICE DISTRICT

MAYNILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with