^

Police Metro

Cedric, Deniece atbp ‘no show’ sa DOJ

Doris Franche-Borja, Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa unang araw nang pagdinig ng Department of Justice (DOJ) sa kasong isinampa ni TV host/actor Vhong Navarro ay hindi sumipot ang isinasangkot na sina  Cedric Lee, Deniece Cornejo at anim na iba kahapon.

Tanging ang abogado lamang nina Cedric, Deniece at Bernice Lee na  si Atty. Arleo Magtibay ang nakadalo sa preliminary investigation.

Sinabi ni Magtibay, dumalo umano sina Cornejo at ang magka­patid na Lee sa kanilang pagdinig sa Taguig Regional Trial Court kaugnay ng isinampa nilang petition for temporary protection order.

Samantala, nagpalabas ang National Bureau of Investigation (NBI) ng bagong footage ng closed circuit television (CCTV) na kuha sa ele­vator ng Forbeswood Heights Condominium sa Taguig City na nagpapakita na hinahalikan ni Cedric si Deniece sa magkabilang leeg.

Ang video na hawak ngayon ng NBI ay kuha noong Enero 23, 2014 na ilang oras lamang ang nakalipas matapos ang sinasabing pambubugbog kay Navarro at sinasabing pagbabalik sa nasabing condominium ng grupo ni Cedric mula sa pagpa-blotter sa actor sa pulisya.

Kaya’t malaki ang hinala ng NBI na hindi lang magkaibigan sina Cedric at Deniece kundi mag-lover.

ARLEO MAGTIBAY

CEDRIC

CEDRIC LEE

DENIECE

DENIECE CORNEJO

DEPARTMENT OF JUSTICE

FORBESWOOD HEIGHTS CONDOMINIUM

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

TAGUIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with