13 child warriors ng BIFF napatay
MANILA, Philippines - Sa kabuuang 52 napatay na mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa pakikipagbakbakan sa tropa ng pamahalaan ay napag-alaman na 13 sa mga ito ay pawang mga kabataan o child warrior.
Ito ang inihayag ni Col. Dickson Hermoso, Spokesman ng Army’s 6th Infantry Division (ID), simula noong Enero 27 hanggang sa kasalukuyan ay nasa 52 na ang nasasawing BIFF at isang sundalo sa ika-5 araw na bakbakan sa Central Mindanao.
Kabilang naman sa mga napaslang ay isang opisyal ng BIFF na tinukoy ni Hermoso na si Commander Hassan Indal.
Nasa 62 naman ang nasugatan kabilang ang 49 mula sa hanay ng BIFF fighters at 13 naman sa tropa ng pamahalaan simula ng sumiklab ang bakbakan noong Enero 27.
Nasa 13 child warriors ng BIFF na nasa pagitan ng 14-15 anyos ang kabilang sa mga narekober na bangkay sa encounter site sa ilang bayan ng Maguindanao at Pikit, North Cotabato.
Noong Enero 27 ay naglunsad nang pagsalakay ang pinagsanib na elemento ng militar at pulisya sa pinagkukutaan ng grupo ni BIFF Commander Ameril Umbra Kato sa mga bayan ng Shariff Saydona Mustapha, Datu Piang, Sultan sa Barongis at Datu Salibo; pawang sa Maguindanao, at Pikit sa North Cotabato.
- Latest