^

Police Metro

Pinay caregiver wagi sa X-Factor Israel

Rudy Andal, Ellen Fernando, Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinatunayan muli ang galing ng mga Pinoy matapos na manguna ang isang 47-anyos na overseas Filipino worker (OFW) na pambato ng Pilipinas sa kilalang international talent competition na X-Factor sa Israel.

Itinanghal na first winner sa X Factor Israel na nakakuha ng ‘standing ovation’ sa mga judges at audience ang Pinay caregiver na si Rose Fostanes sa kantang “My Way” na pinasikat ni Frank Sinatra.

Si Fostanes ay nagtatrabaho sa Israel sa loob ng apat na taon at sumabak sa nasabing kompetisyon at pumasok sa top ten hanggang sa top five at top 3.

Tinalo ni Fostanes ang tatlong finalists sa finale show kahapon at nakakuha siya ng standing ovation sa mga manonood sa kanyang rendition ng kantang “My Way” na tinugtog ng orchestra. Ang nasabing kanta ay tinagurian namang “fatal song” o kinatatakutang kanta sa Pilipinas.

Unang nagpamalas ang nasabing Pinay ng mga awiting “If I Ain’t Got You ni Alicia Keys at “Sweet Dreams” ng Eurythmics matapos niyang kantahin ang finale song na tumalo sa ibang finalists.
Nakapasok sa nasabing kompetisyon at sa top 10 contestants ang Pinay nang unang mapahanga nito ang mga judges at tumanggap ng standing ovation sa kanyang kantang “This is my life” na pinasikat ng singer na si Shirley Bassey.

Si Fostanes ang kauna-unahang winner para sa inaugural year o Season 1 ng X-Factor talent show sa Israel habang itinanghal na second place si Eden Ben-Zaken.
Nagpasalamat naman ang Pinay sa kanyang mentor na si Shiri Maimon, mga Israelis at libu-libong mga Pinoy na sumuporta sa kanya lalo na sa social media.

Binati ni Pangulong Benigno Aquino III si Fostanes sa kanyang pagkapanalo.

“Ipinakita lamang ng Pinay na si Fostanes ang galing ng mga Filipina sa pagkanta na talagang “world class”, wika ni Sec. Edwin Lacierda.

Maging si Taguig City Mayor Lani Cayetano ay ipinagmamalaki si Fostanes na residente ng lungsod at sinabi pa nito na nawa’y magsilbing inspirasyon ito sa mga kapwa OFW na may talento at may mga pangarap sa buhay na marating na huwag susuko hanggang hindi nakakamit ito.

Kasalukuyang binabansagan si Fostanes ngayon na Susan Boyle ng Pilipinas dahil sa pag-abot sa pangarap sa kabila ng kanyang edad.

vuukle comment

ALICIA KEYS

EDEN BEN-ZAKEN

EDWIN LACIERDA

FOSTANES

MY WAY

PILIPINAS

PINAY

SI FOSTANES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with