Aso nailigtas, bata nalunod
MANILA, Philippines - Isang 9-anyos na batang babae ang nagbuwis ng buhay para sa alagang aso nang ito ay kanyang sagipin habang tinatatangay ng rumaragasang baha sa bayan ng Saint Bernard, Southern Leyte.
Ang nasawing biktima ay kinilalang si Alma Lasala, residente ng Brgy. Cabagawan ng nasabing bayan.
Narekober ang bangkay ng biktima kamakalawa ng hapon matapos itong lumutang sa ilog pagkaraang malunod noong linggo .
Sa ulat ng Office of Civil Defense (OCD) Region VIII, tinangay ng rumagasang baha ang alagang aso ni Alma kaya’t tinangka nitong sagipin bunsod upang malunod siya.
Hindi naman nabanggit sa ulat kung ano ang nangyari sa alagang aso ng bata matapos niya itong mailigtas.
Ang pagbaha sa lugar ay sanhi ng malalakas na pagbuhos ng ulan na dulot ng nararanasang low pressure area (LPA) sa ilang bahagi ng Mindanao at Visayas.
Samantala aabot na sa 19 pamilya o kabuuang 65 katao ang inilikas sanhi ng mga pagbaha sa ilang barangay sa nasabing bayan.
Patuloy naman ang monitoring sa ilan pang mga lugar na flashflood at landslide prone area at pinayuhan din ang mga residente na magsilikas kung kinakailangan.
- Latest