^

Police Metro

‘Triple X’ suportado ng simbahan

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inihayag kahapon ni Atty. Ferdinand Topacio, abogado ng pamilya ng dating Pangulo na ngayon ay Pampanga Representative  Gloria Macapagal-Arroyo na suportado umano ng simbahan at ibat-ibang religious leader ang  napapabalitang pag-aalyansa ng tatlong dating pangulo ng bansa laban sa admi­nistrasyong Aquino na unang napabalita na ‘Triple X’.

 Sa ginanap na Balitaan sa Tinapayan, inamin ni Atty Topacio, ang isinusulong na pagsasama-sama nina Mrs Arroyo, dating Pangulong Fidel V. Ramos at dating Pangulong Joseph Estrada.

Gayunman, nilinaw ni Topacio na ito ay batay lamang sa  pag-uusap ng kanyang mga common friend ng ‘Triple X’. Wala  pang katiyakan ang mga plano.

“Yung isa ay hindi politician kundi businessman, miyembro ng 50-man Constitutional Commission at  bata pa,  yung isa naman ay dating miyembro ng Gabinete at graduate ng Ateneo de Manila University”, sabi ni Topacio.

 Nabatid din kay Topacio na may mga religious leader gaya ng mga obispo ng Catholic Church at Iglesia ni Cristo ang sumusuporta umano sa naturang plano.

 Tumanggi naman si Topacio na tukuyin kung sinu-sino ang mga naturang maiimpluwensiyang personalidad na kapwa malalapit kina FVR, Estrada at GMA.

 Kulang na kulang umano sa pagpupursige o pagiging decisive  ang kasalukuyang administrasyon kumpara sa tatlong dating punong ehekutibo.

 Matatandaang  kumalat ang isyu sa ‘Triple X’ matapos na bisitahin ni dating Pangulong Estrada at FVR si Gng. Arroyo na nasa ilalim ng hospital arrest sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) sa Quezon City.

 

vuukle comment

ATTY TOPACIO

CATHOLIC CHURCH

CONSTITUTIONAL COMMISSION

DATING

FERDINAND TOPACIO

GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

TOPACIO

TRIPLE X

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with