^

Police Metro

Baril ng mga sekyu sinelyuhan ng PNP

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Upang mabawasan ang mga biktima ng indiscriminate firing  kaugnay ng pagsalubong sa Bagong Taon ay sinel­yuhan na rin kahapon ng Philippine National Police ang mga dulo ng baril ng mga security guard sa buong bansa.

Ang pagseselyo ng baril sa mga security guard ay  unang isi­nampol ng PNP sa Araneta Center sa Cubao, Quezon City  na pinangunahan ni PNP Security Supervisory Office (PNP-SOSIA) Director P/Sr. Supt. Dominador Tubon.

Maging ang dulo ng baril ng mga security guard sa Robinson’s Magnolia sa Aurora  Boulevard, Quezon City ay sinelyuhan din.

Susunod ding selyu­han ng mga District Com­manders ng National Capital Region Police Office (NCRPO)  ang dulo ng mga baril ng iba pang grupo ng mga security guard sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila at ang mga Regional at City Director naman ang mangunguna sa pagseselyo ng mga baril ng mga sekyu sa mga urban cities sa iba pang bahagi ng bansa.

Nabatid na umaabot sa 5,500 ang mga security guard sa buong bansa na ang pinakamalaking bilang ay nakadestino sa mga establisyemento at mga malls sa Metro Manila.

Nilinaw naman ng opisyal na tulad ng mga pulis, maaari pa ring gamitin ng mga guwardiya ang kanilang mga baril kung may mga nagaganap na kriminalidad at ma­ging para sa self-defense.

Samantalang muli ring ipinaalala ni Tubon na isang kasong kriminal ang sinumang masasangkot sa indiscriminate firing sa pagsalubong sa Bagong Taon at titiyakin ng PNP na pananagutin sa batas ang mga indibidwal na masasangkot dito.

 

vuukle comment

ARANETA CENTER

BAGONG TAON

CITY DIRECTOR

DIRECTOR P

DISTRICT COM

DOMINADOR TUBON

METRO MANILA

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with