^

Police Metro

Nanalong Kapitana, mister inatado nang saksak

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasa kritikal na kalagayan ang nanalong  barangay chairwoman at mister nito matapos na sila ay dambahin at pagsasaksakin ng isang lalaki habang pauwi sa kanilang bahay kahapon ng madaling-araw sa Brgy. Banalo, Bacoor City, Cavite.

Ang mga biktima ay kinilalang sina Grace Lucas Timba 48, at ang mister nito na si Ernesto.

Tumakas ang suspek na nakilala sa  alyas Dan Dan residente ng Brgy. Sinuguelasan ng nasabi ding lunsod.

Nabatid na dakong alas-2:30 ng madaling-araw habang naglalakad ang mag-asawa pauwi sa kanilang bahay nang bumulaga at hinarang sila ng  suspek at walang sabi-sabing inundayan ng saksak.

Ilang nakasaksi sa pangyayari ang nagsugod sa mag-asawa sa pagamutan.

vuukle comment

BACOOR CITY

BANALO

BRGY

CAVITE

DAN DAN

ERNESTO

GRACE LUCAS TIMBA

ILANG

NABATID

SINUGUELASAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with