36 bahay sa Zambo nasunog
MANILA, Philippines - Umabot sa 36 kabahayan ang nasunog na kung saan ay dalaÂwang katao ang nasaktan naganap kamakalawa sa Brgy. Culo, Molave, Zamboanga del Sur.
Ang dalawang nasugatan ay kinilalang sina Ruth Apale nagtamo ng first degree burn sa mukha at Marwin Casabal, nagkaroon naman ng second degree burn sa kaliwang balikat.
Sa ulat ni Chief InsÂpector Ariel Huesca, Spokesman ng Police Regional Office (PRO) 9, dakong ala-1:40 ng madaling-araw nang maganap ang sunog sa Purok African Daisy 1 & 2, Brgy. Culo, Molave ng lalawigan.
Mabilis na nakaresÂponde ang mga elemento ng Molave Police Station at Bureau of Fire Protection upang masawata ang nakawan habang inaapula ang sunog.
Ang sunog ay nagsimula sa faulty electrical wiring ng bahay ng isang Delyn Apale na mabilis kumalat sa mga kabahayan sa lugar na pawang gawa sa mahihinang uri ng materyales.
Naapula naman ang sunog bandang alas-4:00 ng madaling-araw at sa pagtaya umaabot sa P3 milyon ang halaga ng pinsala sa naganap na sunog.
- Latest