P4.15 kada kwh... Taas-singil ng Meralco aprub na
MANILA, Philippines - Aprub na ang P4.15 kada kilowatt hour na pagtataas sa singil ng kuryente base sa rekomendasyon ng Manila Electric Corporation.
Ito ang inihayag kahapon ng Energy ReguÂlatory Commission (ERC) at sa isinagaÂwang public consultation ay nagbigay ng tatlong opsyon ang Meralco sa ERC para sa “staggered basis†na komputasyon ng pagtataas base na rin sa kahiÂlingan ng iba’t ibang sector upang hindi mabigla sa pagbabayad ang mga consumer.
Sa isinagawang maikling hearing sa panukala ng Meralco ay pinili ng mga opisyales ng ERC ang “Option 3â€ng Meralco na kung saan ay magpapatupad ng P2.41 kWh pagtataas ngayong buwan ng Disyembre, wala sa Enero, P1.21 kada kWh sa Pebrero at P.53 sa buwan ng Marso para mabuo ang P4.15 hike. Ang naturang datos ay epektibo sa mga “household consumersâ€.
Ayon sa Meralco na hindi naman nila kailaÂngan na konsultahin pa ang ERC para sa kanilang pagtataas ngunit isinagawa pa rin nila ito upang ipakita sa publiko ang “transpaÂrency†sa isasagawa nilang electric bill hike.
Makapaglalabas na ngayong Martes o sa susunod na mga araw ng electric bill ang Meralco upang mabayaran na ng mga consumers.
Nagsagawa naman ng kilos-protesta sa tapat ng Pacific Centre Building sa Ortigas Avenue kung saan nag-oopisina ang ERC ang grupong Buklurang Mangagawang Pilipino dahil sa hindi umano makatarungan ang natuÂrang malaÂking pagtataas sa singil sa kuryente.
Samantala, para mapigilan ang napakaÂlaking pagtaas ng singil sa kuryente ng Meralco ay inihayag ni Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali, chairman House Committee on Energy ang paggamit ng Malampaya funds.
Masyado na anya, malaki ang P4.15 kada kilowatt hour na pagtaas sa singil sa kuryente suÂbalit, hindi naman direktang masagot ng kongresista kung magkakaroon ng paglabag sa batas dahil ang Malampaya funds ay para lamang sa mga proyekto sa pagpapalakas ng enerhiya.
- Latest