P54.5-B Manila bay reclamation project ni-recall
MANILA, Philippines - Ni-recall ng Pasay City Council ang unang inaÂprubahang P54.5 bilyong Manila Bay reclamation project sa pagitan ng SM Land Incorporated dahil sa mga depektong kanilang nakita sa kontrata.
Ito ang nagkakaisang desisyon na ipinasa ng mga miyembro ng konseho sa 8-pahinang Resolution No. 3059 na nag-uutos para i-recall ang mga naunang resoÂlusyon na inisyu para sa reklamasyon at pagdebelop sa 300 ektaryang bahagi ng Manila Bay.
Ayon kay Councilor Allan Panaligan, chairman ng Committee on Land Use, na nagdesisyon sila na i-recall ang kontrata dahil sa nakita nilang mga pagkakamali o depekto na una nang pinuna ng ibang stakeholders sa proyekto kabilang ang S&P Construction Technology and Development Co. at Ayala Land Incorporated.
“Gusto lang naming na walang ground para masampahan ng kaso sa korte ang konseho maging ang ehekutibo dahil sa mga depekto. Nag-iingat lang kami. Nagpakita naman ng mga isyu ang S&P at Ayala Land na nakita naming kailangang agad na aksyunan,†ani Panaligan.
Kabilang sa mga depektong nakikita sa kontrata ang iregularidad sa hindi pagsasagawa ng public bidding, isyu sa kalikasan, at mga pagkakamali sa proseso tulad ng hindi pagsunod sa National Economic Development Authority (NEDA) 2008 Joint Venture Guidelines na nagsasabing kailangang magbigay ng 60-araw na ekstensyon para makapagsumite ng “counter-proposal†ang ibang kumpanya.
Idinagdag pa ng konsehal ang hindi pagsama sa kanya sa “selection process†ng Public-Private Partnership-Selection Committee (PPP-SC) makaraang malaman niya na miyembro pala siya sa “selection committeeâ€.
Nasa kamay na umano ni Mayor Antonino Calixto ang gagawing aksyon para maitama ang mga nakitang depekto o gumawa ng bagong procedure para muling makasama sa proseso ang iba pang stakeholders.
- Latest