^

Police Metro

Trader, engineer, pulis dinukot

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang negosyante at dalawa nitong kasama na engineer at police escort ang dinukot ng mga armadong kalalakihan sa bayan ng Linamon, Lanao del Norte.

Ang mga biktima ay kinilalang sina Robert Kua, may-ari ng Findlay Millar Timber Company, Engineer Edwin de la Torre at police escort na di tinukoy ang pangalan.

Sa ulat, bandang alas-4:30 ng hapon noong Miyerkules nang maganap ang pagdukot sa mga biktima sa highway ng Brgy. Samburon, Linamon, Lanao del Norte.

Nai-report lang ang pagkidnap kamakalawa nang magtungo sa himpilan ng pulisya  ang driver ni Kua na si Candido Mausisa na pinawalan umano ng mga kidnapper.

Sa salaysay ni Mausisa na minamaneho niya ang kulay asul na Land Cruiser at lulan ang mga biktima at patungong Cagayan de Oro City nang harangin ng mga suspek pagsapit sa lugar.

Agad na tinutukan ng baril ng mga kidnapper ang mga biktima at kinomander ang behikulo kung saan pinababa ng mga ito sa masukal na bahagi ng highway sa lugar ang driver na si  Mausisa na siyang nag-report ng insidente sa mga otoridad.

Isinailalim sa pagtatanong ng mga otoridad si Mausisa dahil sa late na nito ini-report ang insidente.

Nagsasagawa ng se­arch and rescue operations ang mga otoridad upang ligtas na mabawi ang mga bihag.

             

CANDIDO MAUSISA

ENGINEER EDWIN

FINDLAY MILLAR TIMBER COMPANY

LANAO

LAND CRUISER

LINAMON

MAUSISA

NORTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with