^

Police Metro

Mister na pumatay ng misis, nagpakamatay

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Maaaring nakonsensiya ang isang 44-anyos na mister sa pagpatay niya sa kanyang misis kamakailan kung kaya’t nang ito ay dalhin sa hall of justice sa  Las Piñas para basahan nang sakdal ay nagpumiglas ito at tumalon na nagresulta ng kanyang kamatayan kahapon ng umaga sa nasabing lungsod.

Ang nasawi ay nakila­lang si Siegfred Cabunoc, ng Block 11, Lot 7, Onyx St., Pilar Village, ng lungsod at pinsala sa buong katawan at  pagkakabagok ng ulo.

Nabatid na ini-eskortan si Cabunoc ni PO2 Al Sharrif Uy sa prosecutor’s office upang isailalim ito sa inquest proceedings dahil sa kasong parricide.

Nagpipiglas ang suspek at itinulak si PO2 Uy saka tumalon buhat sa ikatlong palapag ng gusali na sanhi ng kanyang kamatayan.

Unang nadakip si Cabunoc noong Miyerkules ng gabi makaraang ituro ng mga testigo na ito ang pumatay sa misis na si Daisy Cabunoc, 54, noong nakaraang linggo na ang bangkay ay natagpuan noong  Lunes ng umaga sa bakanteng lote sa Brgy. Manuyo I, na tadtad ng tama ng saksak sa katawan.  

Inimbitahan naman ng mga pulis si Cabunoc para kilalanin ang bangkay ng misis sa morgue at dito ay itinuro ni Gladys San Jose ang suspek na pumatay sa kanyang kapatid.

Hindi na ito nakatanggi sa krimen nang apat pang testigo ang lumutang at sabihin na huli nilang nakita si Daisy na buhay noong nakaraang linggo habang nagkakaroon ng away ang mag-asawang Cabunoc sa loob ng kanilang bahay.

vuukle comment

AL SHARRIF UY

CABUNOC

DAISY CABUNOC

GLADYS SAN JOSE

LAS PI

MANUYO I

ONYX ST.

PILAR VILLAGE

SIEGFRED CABUNOC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with