^

Police Metro

Sa loob ng sasakyan... Trader nag-suicide sa harap ng ex-gf

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Laking gulat ng isang babae nang biglang nagbunot ng baril ang dating nobyo at nagbaril sa ulo habang sila ay nagkukuwentuhan tungkol sa kanilang nakaraan sa loob ng sasakyan kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Ang biktima na namatay habang ginagamot sa Manila Central University  (MCU) Hospital sanhi ng tama ng bala sa ulo mula sa cal. 45 ay nakila­lang si Roderick Manuel, 35,  ng Monzerath St., ng naturang lungsod.

Sa ulat ng pulis­ya, bago naganap ang uma­no’y pagpapatiwakal ng biktima dakong alas-9:45 ng gabi ay minamaneho ng   biktima ang kanyang Ford Everest SUV sa kahabaan General Tinio St., Bagong Barrio at  sakay ang dating nobyang si Edelweis Flores, 31, ng naturang lungsod.

Pinag-uusapan ng mga ito ang kanilang masasayang nakaraan noon sila ay magkasintahan at nalungkot sa nangyaring hiwalayan.

Habang patuloy ang kuwentuhan ay biglang kinuha ng biktima ang kalibre .45  at  walang sabi-sabing ipinutok sa ulo na ikinabigla ni Edelweis.

Dahil dito ay dumiin ang tapak ng biktima sa silinyador na naging dahilan upang bumangga  sa  isang sasakyang nakaparada at pagkatapos ay bumangga naman sa  pader.

Nakalabas ng sasakyan si Edelweis at nakahingi ng tulong sa dumaraan na si Kagawad Renato Reyes, 52 na may dalang tricycle at dinala ang biktima sa nasabing ospital, subalit namatay din ito.

BAGONG BARRIO

CALOOCAN CITY

EDELWEIS

EDELWEIS FLORES

FORD EVEREST

GENERAL TINIO ST.

KAGAWAD RENATO REYES

MANILA CENTRAL UNIVERSITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with