3 kidnaper na Koreano, arestado
MANILA, Philippines - Naaresto ng mga otoriÂdad ng Pasay City at Muntinlupa City Police ang tatlong Koreano na hinihinalang dumukot at nagtangkang magpa-ransom sa kapwa nila Koreano sa isang operasyon sa Muntinlupa City kahapon ng madaling-araw.
Ang tatlong naarestong suspek ay kinilalang sina Bar Song Won, 40, binata, casino agent, ng Unit 7 L-Robinson Tower , Adriatico St., Malate Manila; Park Yong Nam, 37; at Kim Min Dong, 34, pawang naninirahan sa no. 65 Bacolod St., Alabang Hills, Muntinlupa City.
Nailigtas naman ng mga otoridad ang biktimang si Joen Tai Soon, Korean national sa kamay mga suspek.
Batay sa ulat, unang dinukot ng mga salarin si Soon dakong alas-4:00 ng madaÂling-araw noong Agosto 16 habang papasok ito sa Resort World Hotel sa Newport, Pasay City.
Tumawag naman ang mga salarin sa pamilya ng biktima at nanghihingi ng P5 milyong halaga upang ligtas na mapalaya si Soon.
Dito na nakipag-ugnaÂyan ang pamilya at abogado ng biktima sa Pasay City Police na siya namang nakipagkoordinasyon sa Muntinlupa Police.
Bumuo ng “tracking team†ang Pasay at Muntinlupa Police na nagawang matukoy ang kinalalagyan ni Soon sa loob ng bahay ni Kim Min Dong sa Bacolod Street, Alabang Hills, ng naturang lungsod.
Kahapon ng alas-5:00 ng umaga nang maglunsad ng operasyon ang pulisya na nagresulta sa matagumpay na pagkakaligtas kay Soon.
Ayon sa pulisya, matagal nang umiiral sa mga daÂyuÂhang nasa bansa ang pagkidÂnap sa mga kapwa nila kaÂbabayan upang makakuha ng salapi.
- Latest