^

Police Metro

Marcos sa PCG at PNP: Baybaying dagat mahigpit na bantayan sa droga

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Para mapigilan ang pagpasok ng droga ay inutusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang Philippine Coast Guard at Philippine National Police na magsagawa ng mahigpit na pagbabantay sa baybayin ng dagat o coastline ng bansa.

Ang kautusan ay ginawa ng Pangulo matapos madiskubre ng mga mangingisda mula sa Bataan at Pangasinan ang mahigit sa bilyon pisong halaga ng shabu na palutang-lutang sa karagatan.

“We still have a drug problem in this country. Syempre pumapasok pa rin ang shabu. So sabi ko hulihin ninyo ang malalaki at bantayan ninyo ang malalaki at saka puntahan ninyo kung saan pumapasok, ‘yun ang isara natin. And we are slowly ­doing that. ­Sinabi ko sa coast guard at PNP, bantayan na ninyo kasi ayokong bumalik sa merkado ‘yan,” ayon pa kay Marcos.

Kung posible ay agad aniya itong sirain sa harapan mismo ng mga otoridad para masiguro kung gaano ito karami at hindi na nababawasan at buhusan na rin ng gasolina at sunugin na ito.

Bagama’t patuloy aniya ang paghabol sa bigtime drug lords, kailangan pa rin palakasin ang presensya ng mga otoridad sa komunidad para mapigilan ang mga small time drug dealers.

Iginiit pa ni Marcos na kung nagpapatrolya kahit sinong dealer ay makakahuli ang pulis at mapipigilan na ang kanilang mga gawain.

DRUGS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with