Go sa publiko: Mag-ingat sa rabies, Mpox
MANILA, Philippines — Pinaalalahanan ni Senator Christopher “Bong” Go ang mga Pilipino na manatiling alerto sa gitna ng patuloy na panganib ng rabies at pagdami ng mga kaso ng Mpox (monkeypox) sa ilang bahagi ng bansa.
Bagama’t kinumpirma ng Department of Health (DOH) ang 32% pagbaba ng kaso ng rabies, binigyang-diin ni Go na nananatiling mataas ang fatality rate nito kapag lumitaw ang mga sintomas.
Binanggit din niya ang katamtamang pagtaas ngayong Hunyo ng Mpox sa ilang lugar kaya kailangan ng atensyon at pag-iingat ng publiko.
“Hindi puwedeng balewalain ang rabies kahit bumaba ang mga kaso, nakamamatay pa rin ito kapag huli na ang gamutan”, wika ni Go.
Ginawa ni Go ang babala kasunod ng pagkamatay ng isang 9-anyos na lalaki sa Sarangani matapos makagat ng “stray dog” noong Mayo ngunit itinago sa kanyang magulang.
“Gano’n din sa Mpox. Kahit kumaunti ang naiulat na kaso ngayon, kailangan pa ring mag-ingat at sumunod sa mga payo ng health experts”, babala ni Go, chairperson of the Senate committee on health.
- Latest