2 Vietnamese inaresto sa ilegal na cosmetic surgery
MANILA, Philippines — Dalawang pekeng Vietnamese doctor ang inaresto ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) dahil sa umano’y ilegal na pagsasagawa ng cosmetic surgery sa Makati City.
Ayon sa CIDG nahuli ang lalaking si “Phuong” at babaeng si “Nguyen” sa entrapment operation sa isang beauty salon sa H.V. Dela Costa Street, Bel-Air Village, nitong Miyerkules matapos na makatanggap ng tip hinggil sa modus ng mga suspek.
Naaktuhan umano ang mga suspek habang nagbibigay ng medikal na konsultasyon at ng presyo para sa mga procedure tulad ng nose augmentation at body parts modification.
- Latest