Gun ban exemptions pinalawig hanggang Brgy. at SK elections
MANILA, Philippines - Pinalawig ng Commission on Elections (ComeÂlec) ang gun ban exemptions na ipinalabas noong May 13 midterm elections hanggang sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.
Ipinaliwanag ni Comelec Commissioner Lucenito Tagle na batay sa ilalim ng Comelec Resolutions 9735 na nagtatakda rin ng panuntunan kaugnay ng pagkuha ng mga security detail ng mga kandidato
sa Barangay at SK Elections ay hindi na kailangan pang magpa-renew ang mga nabigyan noon ng gun ban exemption para sa May 2013 polls.
Ang aprubadong aplikasyon naman para sa pagkuha ng security personnel noong midterm elections ay kinakailaÂngang sumailalim sa renewal.
Gayunman wala pang itinatakdang petsa ang Comelec para sa mga magpapa-renew at bago pa lamang na kukuha ng nasabing aplikasyon.
Ang pagbabawal sa pagdadala ng baril ay magsisimula sa ika-28 ng Setyembre na siya ring
opisyal na simula ng panahon ng eleksyon.
- Latest