^

Police Metro

4 buwang sanggol sa sinapupunan lumabas… 16 abortion pills ininom

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Rehas na bakal ang kinasadlakan ng isang mag-lover nang ireklamo ng isang pagamutan dahil sa sad­yang pagpapalaglag ng babae sa kanyang dinadalang sanggol kamakalawa sa Pasay City.

Ang maglive-in na ina­resto ay kinilalang sina Charlyn Barsaga, 22, medical transcriptionist, at kinakasama nitong si Bennie Del Castillo, 24, kapwa ng no. 1507 Interior EDSA, ng naturang lungsod.

Batay sa ulat, tumawag ang kinatawan ng Ospital ng Maynila sa pulisya at iniulat ang pagkakadiskubre ng pag-inom ng gamot na abortion pill  ni Barsaga sanhi upang malaglag ang sanggol  sa kanyang sinapupunan. 

Agad na nagtungo sa naturang pagamutan ang mga pulis na naging dahilan upang dakpin ang dalawa.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, nabatid na bumili ang dalawa ng Cytotec na iligal pa ring naibebenta ng mga sidewalk vendor sa Quiapo, Maynila.  

Nabatid na 16 na pi­raso ng naturang iligal na droga ang ininom ng babae noong Sabado ng gabi sa tulong na rin umano ni Del Castillo.

Kinabukasan ng Sabado ng Linggo, dinugo ng husto si Barsaga at lumawit sa puwerta nito ang may 4 na buwang fetus. 

Mismong si Del Castillo pa ang gumupit sa pusod ng fetus saka isinugod ang kinakasama sa Ospital ng Maynila.

Sa loob ng pagamutan, inamin ng babae sa kanyang doctor ang pag-inom ng naturang tabletas sanhi upang isumbong ito sa pulisya.

vuukle comment

BARSAGA

BATAY

BENNIE DEL CASTILLO

CHARLYN BARSAGA

DEL CASTILLO

MAYNILA

OSPITAL

PASAY CITY

SABADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with