^

Police Metro

Barko ng China sa Scarborough pinalayas ni Gorio

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tanging ang bagyong Gorio lang ang nakapagpalayas sa mga barko ng China na umaaligid sa Scarborough Shoal (Panatag Shoal), may 124 na milya sa Masinloc, Zambales  kaugnay ng tumitinding intrusyon ng nasabing bansa sa teritoryo ng Pilipinas.

Ito ang inihayag kahapon ni Defense Secretary Voltaire Gazmin na kinumpirmang nagsialis na ang mga barko ng China sa Scarborough Shoal.

Ayon kay Gazmin na base sa isinagawang monitoring noong Hunyo 27, 28 at maging sa unang linggo ng Hulyo ay wala na sa Scarborough Shoal ang naturang mga barko ng China na nagsasagawa ng intrusyon sa lugar.

Ang Scarborough Shoal, kilala rin bilang Bajo de Masinloc ay nasa 124 nawtikal na milya ang layo sa Masinloc, Zambales na nasasaklaw ng 200 Exclusive Economic Zone ng bansa.

Kabilang sa mga barko ng China na pumalibot sa lugar ang maritime ship at surveillance ship at fisheries law enforcement ships na umaayuda sa mga ma­ngingisdang Chinese kung saan ay itinataboy naman ang mga mangingisdang Pinoy na nagagawi sa lugar.

ANG SCARBOROUGH SHOAL

AYON

BAJO

DEFENSE SECRETARY VOLTAIRE GAZMIN

EXCLUSIVE ECONOMIC ZONE

MASINLOC

PANATAG SHOAL

SCARBOROUGH SHOAL

ZAMBALES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with