^

Police Metro

Tribung Blaan kinondena ang German human rights study

Pang-masa

MANILA, Philippines -Kinondena ng katutubong Blaan ang human rights impact assessment (HRIA) na ginawa ng isang grupong Aleman “bilang insulto sa tribung Blaan at sa kanilang nakatatanda.”

Bukod sa walang kato­to­hanan at ibinase sa opinyon ng mangilan-ngilang kontra sa pagmimina, ang pag-aaral ay may kaugna­yan sa Tampakan Copper Gold Project (TCGP) pro­ject ng Sagittarius Mines, Inc.’s (SMI) na nasa hanggahan ng South Cotabato, Davao del Sur, Sarangani at Sultan Kudarat at nasa ancestral domain ng mga Blaan.

Ayon sa pahayag na nilagdaan ng mga lider ng katutubong Blaan, isang paghuhusga ang HRIA sa halip na pagtatasa ay walang mga matibay na basehan.

Pinabulaanan ng mga Blaan ang pag-aaral na pulos pananakot lamang, walang silbi at walang kre­dibilidad pero maaaring magamit umano para makalikom ng pondo sa donor agencies at sa mga gobyerno sa Europe para sa mga aktibidades na lumalabag sa kanilang karapatan bilang mga katutubong mamamayan at naglalayong  wasakin ang responsableng kompanya dahil ang grupo ay hindi humingi ng FPIC para sa HRIA kaya nilabag ang kanilang mga karapatan.

Isinagawa ang pag-aaral ng  Institute for Development and Peace (INEF) na nakabase sa Duisburg-Essen University sa Germany at kinomisyon ng tatlong Swiss at German non-governmental organizations, ang  Misereor (the German Catholic Bishops’ Organi­zation for Development Cooperation),  Fastenopfer (Swiss Catholic Lenten Fund) at  Bread for All.

BLAAN

DEVELOPMENT AND PEACE

DEVELOPMENT COOPERATION

DUISBURG-ESSEN UNIVERSITY

GERMAN CATHOLIC BISHOPS

SAGITTARIUS MINES

SOUTH COTABATO

SULTAN KUDARAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with