^

Police Metro

5 sundalo kinidnap ng mga rebelde

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines -Dinukot ng mga armadong miyembro ng New People’s Army (NPA) ang limang sundalo habang nakaligtas ang isang tinyente naganap sa Sitio Lubas, Brgy. Paquibato Proper, Davao City kamakalawa ng hapon.

Ang mga binihag na sundalo ay kinilalang sina Cpl. Emmanuel Quezon, Pfc Ronald Gura, Pfc Bernie Padilla, Pfc Donato Estandia at Pvt. Marteniano Pasiagas Jr.

Nagawang makaligtas si 1Lt. Nieven Canitan na kasamahan ng mga bi­nihag matapos itong tu­malon sa isa sa dalawang habal-habal na kanilang sinasakyan habang pabalik na sana sa Brgy. Mapula, Panabo City.

Ang grupo na nagsagawa nang pagdukot ay mula  Pulang Bagani Command sa ilalim ng command ni Leoncio Pitao alyas Commander Parago.

Batay sa ulat, nagsagawa ng checkpoint sa lugar ang grupo ng isang Ka Ryan Pitao nang harangin ang grupo ni Canitan pagsapit sa lugar.

Ang grupo ni Canitan ay nagsagawa ng konsultasyon sa mga residente sa Poblacion para sa kanilang proyekto at pabalik na sa kanilang himpilan nang dukutin ng mga armadong rebelde.

Nabatid na napagkamalan ng grupo ng tinyente na mga kasamahan nilang mga sundalo ang mga re­belde dahilan pawang nakasuot ang mga ito ng camouflage uniform at mahahaba ang dalang mga armas.

Agad na tinutukan ng baril ng mga rebelde ang mga sundalo kung saan hindi naman nasi­raan ng loob si Canitan na mabilis na tumalon at nagpagulong-gulong sa damuhan habang hinahabol ng pamamaril ng mga rebelde na masuwerte nitong naligtasan.

BRGY

CANITAN

COMMANDER PARAGO

DAVAO CITY

EMMANUEL QUEZON

KA RYAN PITAO

LEONCIO PITAO

MARTENIANO PASIAGAS JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with