Hindi magbibigay ng resibo isumbong!
MANILA, Philippines - Hinikayat ng Malacañang ang mamamayan na i-report sa Bureau of Internal Revenue ang mga negosyante na hindi nagbibigay ng tamang resibo.
Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, dapat mag-report ang mga mamamayan sa gitna na rin ng kampanya ng BIR na mapataas ang koleksiyon ng buwis. “Yung mga ganyan (ayaw magbigay ng resibo), puwede po nating i-report ‘yan sa BIR,†ani Valte… puwede naman ho nating i-report kay Commissioner Kim,†sabi ni Valte.
Ayon sa ulat hindi lamang sa Divisoria may mga negosÂyante na ayaw magbigay ng tamang resibo kundi maging sa mga sosyal na mall katulad ng Greenhills Shopping Center. Ipinagtanggol din ng Malacañang si BIR Commissioner Kim Henares sa pagkakaroon umano nito ng “dictatorial style†matapos magpalabas ng bagong regulasyon tungkol sa paggamit ng bagong resibo.
- Latest