^

Police Metro

Preso tumalon sa police car, nakatakas

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines -Isang preso na may kasong murder ang nakatakas matapos na tumalon ito sa tumatakbong mobile patrol car habang isinusugod sa ospital sanhi ng sugat sa ulo kamakalawa sa  Josefina, Zamboanga del Sur.

Tinutugis ng mga otoridad ang suspek na kinilalang si Concordio Adlawon, nasa hustong gulang, residente ng Brgy. Ebarle, Josefina ng lalawigan.

Batay sa ulat, bago naganap ang pagtakas ng suspek bandang ala-1:00 ng madaling-araw sa matarik na highway ng nasabing bayan ay nagsisigaw ito sa paghingi ng tulong sa mga bantay na pulis at hiniling na dalhin siya sa  ospital dahilan sa tinamo nitong sugat matapos na umano’y mahulog sa kaniyang kama.

Nang makitang umaagos ang dugo mula sa kaniyang ulo, inatasan ni Sr. Inspector Jerry Alvarez, Officer in Charge ng nasabing himpilan ang kanyang tatlong pulis na eskortan ang suspek sa pagamutan.

Habang isinusugod si Adlawon sa ospital ay bigla itong tumalon sa patrol car saka lumundag sa bangin na na­bigong mahuli ng mga pulis dahilan sa madilim ang lugar.

Magugunita na ang suspek ay nasakote ng mga operatiba ng pulisya nitong nakalipas na Hunyo 8 kaugnay ng kaso nitong murder at nakulong sa detention cell ng Josefina Police Station.

Pinaniniwalaan namang sinadya ng nasabing preso na saktan ang kaniyang sarili at planado nito ang pagtakas.

vuukle comment

ADLAWON

BATAY

BRGY

CONCORDIO ADLAWON

EBARLE

HABANG

JOSEFINA

JOSEFINA POLICE STATION

SR. INSPECTOR JERRY ALVAREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with