Paggamit ng PCOS sa susunod na eleksiyon haharangin
MANILA, Philippines -Maglulunsad na nang mga sunud-sunod na kilos-protesta ang isang multi-sectoral watchdog upang tutulan na ang paggamit ng precinct count optical scan (PCOS) machine sa mga susunod na eleksyon.
Kaya’t nanawagan si Fr. Joe Dizon, tagapagsalita ng Kontra Daya, sa publiko na makiisa sa protesta at igiit ang pananagutan ng Comelec at Smartmatic sa katatapos pa lamang na eleksyon na nabahiran umano ng mga anomalya.
Nito lamang nakalipas na linggo, inamin ng Comelec na mayroong discrepancy sa resulta ng random manual audit (RMA) at sa resulta ng botohan na galing sa mga PCOS Machine.
Una na ring kinumpirma ni Brillantes na nagkaroon ng problema sa computerized transmission ng resulta ng mga boto.
Giit ni Dizon na ang mga nasabing pag-amin ay patunay na dahil sa paggamit ng PCOS machine ay nakompromiso ang integridad ng eleksyon kaya dapat lamang na managot ang mga nagpasimuno ng paggamit ng nasabing makina.
- Latest