Senior Citizen partylist hiniling ibalik ng mga solons
MANILA, Philippines - Suportado ng ilang kongresista ang panawagan ni House Speaker Feliciano Belmonte Jr., sa Commission on Elections (Comelec) na ibalik ang Senior Citizens partylist sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Ayon kay Maguindanao Rep. Simeon Datumanong at Isabel Rep. Giorgidi Aggabao, na irekonsidera ng ComeÂlec ang disqualification case ng Senior Citizens partylist at iproklamang panalo ito sa katatapos na halalan.
Paliwanag ng mga mambabatas, isa ang Senior Citizens partylist sa nakakuha ng mataas na bilang ng boto na 671,916 votes na nasa ika 10 sanang puwesto.
Giit pa ni Datumanong, rational at justified ang apela ni Belmonte na dapat bigyang bigat at pansin ng poll body.
Dahil mismong ang publiko na umano ang nagsalita at nagpapakitang ibalik ang nasabing partylist group bilang representasyon ng mga matatanda sa lipunan na bahagi ng marginalized sector.
- Latest