^

Police Metro

Bro. Eddie makakapasok sa magic 12

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagpahayag ng paniniwala ni Bangon Pilipinas senatorial candidate Bro. Eddie Villanueva na papasok siya sa magic 12 ng mananalong senador dahil sa mainit na pagtanggap at malaking suporta na ipinagkaloob sa  kanyang kandidatura ng iba’t ibang religious at political groups sa buong bansa.

Sa Miting de Avance sa Quezon City Circle kahapon na dinaluhan ng libo-libong taga-suporta, lubos ang pasasalamat ni Villa­nueva sa mga nag-indorso at tumulong sa kanyang kampanya sa pagka-senador.

Ani Villanueva, ang pag­suporta sa kanya ng iba’t ibang grupo ay dahil sa adbokasiya nito na tuwid na pamamahala at paglaban ng katiwalian sa pamahalaan at mga polisiya na pakikinabangan ng mga mahihirap upang umangat ang kanilang kabuhayan.

“Ang mithiin ko ay mapaunlad ang kabuhayan ng mga saguiguilid o yung nasa marginalized sectors sa pamamagitan ng pagbibigay ng disenteng trabaho, libreng edukasyon at gamutan upang sa ganun ay sumulong ang ating bansa,” wika ni Villa­nueva.

Kahapon ay nadagdagan pa ng mga multi-sectoral at religious groups na susuporta sa kandidatura ni Villanueva tulad ng MindaVote, isang malaking grupo ng iba’ ibang organisasyon na nagsusulong ng kapayapaan at kaunlaran sa Mindanao; ang dalawang religious group na Dating Daan at Fourth Watch at ang Muslim group na pinamumunuan ni Sultan Panganda­man.

Sumama na rin sa paghahayag ng suporta kay Villa­nueva ang Philippine Hospital Association, ang Private Hospital Association of the Phi­lippines at ang senior citizens group na pinangungunahan ni dating Senador Eddie Ilarde.

ANI VILLANUEVA

BANGON PILIPINAS

DATING DAAN

EDDIE VILLANUEVA

FOURTH WATCH

PHILIPPINE HOSPITAL ASSOCIATION

PRIVATE HOSPITAL ASSOCIATION OF THE PHI

QUEZON CITY CIRCLE

SA MITING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with