^

Police Metro

Bumagsak sa thesis… Estudyante ng College of St. Benilde nagpakamatay

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nag-enroll muna ang isang 4th year student ng De La Salle-College of St. Benilde bago ito tumalon mula sa ika-11 palapag ng ng eskuwelahan kamakalawa ng hapon sa Malate, Maynila.

Ang biktima na binawian ng buhay dakong alas-6:00 ng gabi sa Manila Adventist Medical Center ay nakilalang si Jefferson Tan, 18, 4th year student sa kursong Multi-Media Arts at residente ng Block 14, Lot 22, San Clemente St., Metro Cor, Las Piñas City.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Richard Escarlan ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-3:30 ng hapon nang tumalon ang biktima sa ika-11 palapag ng nasabing ekswelahan.

Bago ang pagpapa­kamatay ng biktima nagpunta ito sa ika-9 at ika-10 palapag ng eskuwelahan kung saan matatagpuan ang Accounting at Registrar Office para mag-enroll.

Matapos na makapag-enroll ay naglalakad-lakad ito sa veranda ng ika-11 palapag na kung saan ay may cafeteria dun at nakita na sumuot at nagkasya ito sa may ventilation dahil sa payat ito at ilang sandali ay tumalon ito.

Nagtamo ng mga galos sa iba’t ibang bahagi ng katawan, mukha at nabalian pa ng binti ang biktima sa pagbagsak nito.

Sa pagsisiyasat ng mga otoridad na bumagsak ang biktima sa kanyang thesis na hindi ipinaalam sa mga magulang.

Nakalap din sa isang kaklase ng biktima na nag-post ito sa kanyang Facebook account ng katagang”I want to commit suicide”.

DE LA SALLE-COLLEGE OF ST. BENILDE

JEFFERSON TAN

LAS PI

MANILA ADVENTIST MEDICAL CENTER

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

METRO COR

MULTI-MEDIA ARTS

REGISTRAR OFFICE

RICHARD ESCARLAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with