^

Police Metro

Solon posibleng makulong sa paggamit ng pork barrel sa kampanya

Butch M. Quejada - Pang-masa

MANILA, Philippines - Posibleng makulong si Caloocan City 1st District Congressman Oscar “Oca” Malapitan matapos na pormal na magsampa ng kaso sa Office of the Ombudsman (OMB) ang mga taong ginamit nito upang makakuha ng pera galing sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel ng kongresista.

Kabilang sa mga resi­denteng nagtungo sa OMB upang magsampa ng reklamo ay sina Amparo Tagapan, Marilyn Joson, Valerie Regalado, Arlyn Dizon at Jessica Bordomeo, pawang mga residente ng Bagong Barrio, Caloocan City.

Ayon sa mga naghain ng reklamo, ang ginawang ito ni Malapitan ay maliwanag na paglabag sa batas na ipinatutupad ng Commission on Election (Comelec) dahil isa umano itong paraan upang makabili ng boto.

Base sa sinumpaang salaysay ng mga naghain ng reklamo, ginamit umano sila ni Malapitan upang makapaglabas ng pondo mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) kung saan nakalagak ang ilang bahagi ng pork barrel ng kongresista.

Sa salaysay ng mga ito, nagtungo sa kanilang mga bahay ang staff ni Malapitan at nag-alok ng tulong galing sa DSWD kung saan ay si­nabi ng mga tauhan ng kongresista na makatatanggap sila ng P3,000 tseke pero tanging P400 lamang ang napunta sa kanila.

AMPARO TAGAPAN

ARLYN DIZON

BAGONG BARRIO

CALOOCAN CITY

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

DISTRICT CONGRESSMAN OSCAR

JESSICA BORDOMEO

MALAPITAN

MARILYN JOSON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with