MMDA enforcer dinakip sa kotong
MANILA, Philippines -Inaresto ng Pasig City Traffic Management Office ang isang traffic enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na nakilalang si Traffic ConsÂtable Miller Mendoza, 37 habang nasa aktong kinokotongan ang isang driver ng van kahapon ng umaga sa Pasig City.
Sa ulat ng Pasig City-TMO, una silang nakatanggap ng sumbong buhat sa driver na si Wilfred Sumayang sa ginawang paghuli sa kanya at pagkumpiska ng kanyang lisensya ng suspek kahit wala siyang paglabag sa trapiko sa bandang Amang Rodriguez Avenue, Pasig.
Nag-iwan umano ito ng contact number na tatawagan kung makikipag-ayos ito para mabawi ang lisensya.
Nagsagawa naman ng operasyon ang Pasig TMO kung saan nakipagÂkita si Sumayang kay Mendoza dakong alas-5:00 ng umaga at inaresto habang tinatanggap ang pera buhat sa una.
Ayon sa Pasig TMO, nakadestino si Mendoza sa Timog Avenue sa Quezon City ngunit sa Pasig ito nagtutungo upang manghuli ng mga delivery trak at van.
- Latest