HS student dedo sa kidlat
MANILA, Philippines - Dedo ang isang 19-anyos na estudyante habang nasa kritikal namang kondisyon ang isa pa makaraang tamaan ng kidlat sa loob ng kanilang paaralan sa Brgy. Poblacion, Payao, Zamboanga Sibugay kamakalawa ng hapon.
Ang biktima ay kinilalang si Edilberto Malbuyo Jr., 2nd year sa Sto. Niño National High School at residente ng Brgy. Mabuhay, ZamÂboanga Sibugay.
Ginagamot naman ngayon sa Payao MuniÂcipal Hospital si Stephen Quirante, 17, bagong graÂduate sa Payao National High School.
Sinabi ni Chief InsÂpector Ariel Huesca, Spokesman ng Police Regional Office (PRO) 9, bandang alas-5:00 ng hapon habang kasalukuyang nakaupo ang dalawang biktima sa loob ng campus ng naturang eskuwelahan ng biglang umulan na may kasamang kulog at kidlat.
Nasa silong naman ang dalawa kaya hindi na umalis sa kanilang kinalalagyan pero nasapul ng kidlat si Malbuyo na agad nangisay at nasawi sa pinangyarihan ng insidente.
Ayon kay Huesca, nagtamo si Malbuyo ng matitinding sunog sa kaniyang katawan habang si Quirante ay nagtamo ng 3rd degree burn.
Ikinagulat at natakot naman ang iba pang estudyante sa loob ng paaralan sa nangyari sa dalawa.
Naghihinagpis naman ngayon ang mga magulang ni Malbuyo sa sinapit na trahedya ng kanilang anak.
Nakikiramay naman sa pamilya ng biktima ang pamunuan ng Sto. Niño National High School na nagsabing ikinalulungkot nila ang naganap na hindi inaasahang trahedya sa loob ng kanilang paaralan.
- Latest