^

Police Metro

3 sasakyan nagsalpukan… Karambola: 4 todas

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

 

MANILA, Philippines - Tatlong sasakyan ang nagsalpukan kahapon ng umaga na ikinasawi ng apat katao at pagkasugat ng mahigit 20 iba pa sa Maharlika Highway, Calauag, lalawigan ng Quezon.

Kinilala ang mga nasawing sina Severo Muit ng Iriga City, driver ng jeepney; Domingo Endaya, driver ng Hyudai van ng Malvar Batangas, at sakay na sina Feliza at Pedro Lait.

Batay sa ulat, ganap na alas-3:00 ng madaling araw nang magsalpukan ang Innova (NLQ-651) na minamaneho ng isang Rene Lumugdang, jeepney (DME-729) ni Muhit at Hyundai van (XAM-204) na minamaneho ni Endaya nang magbanggaan sa highway partikular sa Brgy. Sta. Milagrosa.

Sa lakas nang salpukan ay kapwa napinsala ang katawan ng mga biktima dahilan para ikasawi umano ng mga ito.

Umabot sa 15 sakay ng jeepney ang sugatan, gayundin ang driver at isa pang sakay ng Innova at limang sakay ng van, na isinugod sa malapit na ospital sa lugar.

BATAY

BRGY

DOMINGO ENDAYA

INNOVA

IRIGA CITY

MAHARLIKA HIGHWAY

MALVAR BATANGAS

PEDRO LAIT

RENE LUMUGDANG

SEVERO MUIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with