^

Police Metro

May-ari ng Globe Asiatique hindi palalabasin ng Pinas

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi makalalabas ng bansa ang may-ari ng Globe Asiatique na si Delfin Lee matapos magpalabas ng hold departure order ang korte.

Ayon kay Department of Justice (DoJ) Prosecutor  General Claro Arellano, ang nagpalabas ng HDO  laban kay Lee at apat na iba pang sangkot sa kasong syndicated estafa na walang piyansa ay si Judge Amifaith Fider-Reyes ng Pampanga Regional Trial Court  Branch 42 kung saan ay may kinakaharap na kaso ang grupo ni Lee.

Nabatid na ang  pagpigil na makalabas ng Pilipinas si Lee at mga kapwa respondent ay bunsod ng housing scam na nakabimbin nga­yon sa naturang hukuman.
Maliban kay Lee, kasama rin sa HDO ang kanyang anak na si Dexter at mga opisyal ng Globe Asiatique na sina Christina Sagun at Cristina Salagan, at ang opis­yal ng Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG Fund na si Alex Alvarez.
Sa pagpapalabas ng HDO, sinabi ng korte na binigyan nang bigat ang public interest at public welfare na sangkot sa kaso ng Globe Asiatique kaysa sa constitutional right to travel ng mga akusado.

ALEX ALVAREZ

CHRISTINA SAGUN

CRISTINA SALAGAN

DELFIN LEE

DEPARTMENT OF JUSTICE

GENERAL CLARO ARELLANO

GLOBE ASIATIQUE

HOME DEVELOPMENT MUTUAL FUND

JUDGE AMIFAITH FIDER-REYES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with