^

Police Metro

Ina ni Kristel inapela ang total ban sa pagbenta ng silver cleaner

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines -Sinisisi ni Gng. Blessy Tejada ang tindahan na pinagbilhan ng silver clea­ner na ginamit ng kanyang anak na si Kristel sa pagpapakamatay nito.

Umapela si Gng. Te­ja­da sa pamahalaan na dapat ay magkaroong total ban sa pagbenta ng silver cleaner solution at pata­wan ng mabigat na parusa ang nagtitinda at pati na rin ang bumibili.

Ayon sa grupo ng Eco­­Waste Coalition na nakiramay sa pamilya Tejada nang dumalaw ito sa Sanctuary Funeral Chapel sa Batangas St., sa Sta. Cruz, Manila kung saan nakaburol si Kristel.

Ayon sa grupong Eco­Waste Coalition na magsilbing wake up call sa lahat ang pagkamatay ni Kristel at dapat nang ipa­tupad ang joint advisory ng Department of Health (DOH) at Department of Environment and Natural Resources (DENR) na mahigpit na ipinagbabawal ang pagbebenta ng silver jewelry cleaning solutions na nagtataglay ng cyanide at iba pang nakalalasong kemikal.

Sa nasabing advisory, na nilagdaan nina Health Secretary Enrique T. Ona at Environment Secretary Ramon J.P. Paje, mahigpit ding ipinagbabawal ang importasyon, paggawa, distribusyon at pagbebenta ng silver cleaner ng walang kaukulang product registration at labeling.

Ang EcoWaste ay ma­tagal nang tutol sa pag­ga­mit ng silver clea­ner dahil paborito itong gamitin sa pagpapakamatay ng ilang indibidwal na nawawalan na ng pag-asa sa buhay.

Matatandaan na napaulat na nagpakamatay si Kristel sa pamagitan ng pag-inum ng silver cleaner dahil sa hindi ito makapagbayad ng tuition fee.

AYON

BATANGAS ST.

BLESSY TEJADA

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

DEPARTMENT OF HEALTH

ENVIRONMENT SECRETARY RAMON J

KRISTEL

SHY

WASTE COALITION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with