^

Police Metro

Hindi nagbigay ng pera… Nanay gulpi sarado sa anak

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Walang awang ginulpi ng isang anak ang sarili nitong ina matapos siyang hindi bigyan ng pera na na­ganap kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Ang biktima na nila­la­patan ng lunas sa Tala Hospital ay nakilalang si Evangeline Arias, 44-anyos, residente ng Phase 1, Bagong Silang ng lungsod.

Ang biktima ay nagta­mo ng maraming pasa sa iba’t ibang bahagi ng katawan at ulo na patuloy na inoobserbahan ng mga doktor.

Agad din naaresto at ngayon ay nakakulong ang suspek na si You Arias, nasa hustong gulang, na­ka­tira ng nasabing lugar.

Batay sa ulat, dakong alas-6:00 ng gabi sa loob ng bahay ng mag-ina ay kauuwi lang ng suspek sa bahay matapos ang mag­hapong pagtambay sa mga barkada.

Humingi ito ng pera sa ina, subalit tumanggi ito na bigyan ang anak dahil sa ipapambisyo lang ang pera.

Nagalit ang suspek na humantong sa mainitan nilang pagtatalo hanggang sa  gulpihin ng una at paluin pa sa ulo ng matigas na bagay ang ina.

Kahit na may tama ay humingi ng tulong ang bik­tima sa mga kapitbahay na rumesponde  at inaresto ang suspek.

 

vuukle comment

BAGONG SILANG

BATAY

CALOOCAN CITY

EVANGELINE ARIAS

HUMINGI

KAHIT

SHY

TALA HOSPITAL

YOU ARIAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with