^

Police Metro

14 kumpanya at kooperatiba ng bigas tinanggalan ng accreditation

Butch M. Quejada - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tinanggalan ng Interim Customs Accreditation and Registration (ICARE) ng Bureu of Customs ang 14 na kumpanya na nag-aangkat at kooperatiba ng bigas na kinabibilangan ng Conquistar Marketing, Dream the Dream Marketing, Happy Morning Enterprises, Kakampi Mul­ti-Purpose Cooperative, Ka­­patiran Takusa Multi-Pur­pose Cooperative, Ma­li­pampang Concerned Citi­zens Multi-Purpose Coo­perative, Pinambaran Far­mers Producers Coo­perative, Samahang Mag­sasa­kang Kapampangan at Katagalugan Multi-Purpose Cooperative, Thun­der Glutch Marketing, Ugnayang Magbubukid ng San Isidro, Inc., Vita Rose Marketing, Dragon Clash Enterprises, Masagana Import Export at King Casey Trading.

Ang hakbang na ito ni Customs Commissioner Ruffy Biazon ay dahil na rin sa natanggap nitong reklamo na ang nabanggit na mga kumpanya at kooperatiba ay walang kakayahang mag-angkat ng malaking volume ng bigas at nakakapasok lamang ang kargamento ng mga ito dahil sa pinagka­lo­­oban ang mga ito ng rice importation quotas ng National Food Authority (NFA).

Napag-alaman na ipi­nagbabawal nang mag-im­port ng mga bigas sa bansa  ang nabanggit na mga kumpaya at kooperatiba, dahil hinala ng ICARE na gi­na­gamit lamang ang mga ito ng grupo ng mga smug­gler para mag-smuggled ng mga bigas, na nabibili sa murang halaga at tax free pa.

Matapos rebisahin ang kakayahang pang-finan­cial ng naturang mga kum­panya at kooperatiba at magsagawa ng inspection sa kanilang mga bodega ay hindi sila nakapasa sa itinakdang requirement ng BoC.

BUREU OF CUSTOMS

CONCERNED CITI

CONQUISTAR MARKETING

CUSTOMS COMMISSIONER RUFFY BIAZON

DRAGON CLASH ENTERPRISES

DREAM MARKETING

GLUTCH MARKETING

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with