^

Police Metro

2 guwardiya huli sa holdup-slay sa negosyante sa Maynila

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Arestado ang dalawang security guard ng Paco Market matapos inguso ng isang saksi sa panghoholdap at pagpatay sa isang 52-taong gulang na negosyanteng ginang na nagpapautang ng 5’6 sa palengke ng Paco, Maynila, kamakalawa ng madaling araw.

Kinilala ang dalawang suspek na sina  Eduardo Morta, 43, may-asawa, security guard ng Block 4 Lot 1, Samba Ville, Brgy San Luis, Antipolo City at  Gerry Dotarot, 45, may-asawa ng  #91 Area 6, Sitio Cabuyao, Brgy., Sauyo, Novaliches, Quezon City.

Nadakip ang dalawa sa isinagawang follow up ope­ration ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD)makaraang lumutang ang testigong si Salvador Cruz, 47, vendor, na nagsabing nakita niya ang ginawang pabaril at panghoholdap sa biktimang si Delia Addun, biyuda  ng  #1507 Sto. Se­pulcro St., Paco, Maynila, dakong alas-3:30 ng madaling araw, kamakalawa..

 â€œNakita ko binabaltak ng isang lalaki yong nakasuot na kuwintas at belt bag habang iyong isa ay nakasakay sa isang motorsiklo at may nakasabit na bayong,” ani Cruz.

Nabatid na ang biktima ay nagpapautang ng 5-6 sa mga vendor sa nasabing palengke na sadyang inabangan ng dalawang suspek para patayin at holdapin

Mariin namang itinanggi ng dalawa ang paratang sa kanila at nagsabing natutulog sila dahil wala umano silang duty ng araw na maganap ang krimen.

vuukle comment

ANTIPOLO CITY

BRGY SAN LUIS

DELIA ADDUN

EDUARDO MORTA

GERRY DOTAROT

MANILA POLICE DISTRICT

MAYNILA

PACO MARKET

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with