European Parliament members dumalaw sa Pinas
MANILA, Philippines - Bumisita sa Pilipinas at nagpahayag ng suporta ang pitong miyembro ng European Parliament (EP) sa hakbang ng pamahalaan na magkaroon ng “peaceful resolution†sa maritime dispute sa West Philippine Sea o South China Sea.
Sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA), nasa bansa ang mga miÂyembro ng EP’s delegation for Relations of Southeast Asia and ASEAN (DASE) para sa kanilang limang araw na pagbisita. Sila ay nag-courtesy call kay Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario kahapon ng umaga.
Ang delegasyon na piÂnamumunuan ni EP Chair Werner Langen ay nasa bansa upang tingnan ang economic at social deveÂlopments ng Pilipinas.
Nabatid na pinuri ni Dr. Langen ang Aquino Administration sa kanyang adbokasya para sa “good governance†at sa paglakas ng ekonomiya ng bansa dahil na rin sa kampanya ng Pangulo na sugpuin ang korapsyon sa gobyerno.
Nagpahayag ng suporta ang European parliamentarians sa pagkilos ng pamahalaan para sa matahimik na hakbang upang malutas ang maritime dispute sa kanyang mga kapitbahay na bansa.
Nauna rito, nakipagkita at nakipagpulong din ang EP delagation kina House Speaker Feliciano Belmonte, Sen. Edgardo Angara, BSP Gov. Amando TeÂtangco at Secretaries of Justice, Trade and Industry, at Labor, Presidential Adviser for the Peace Process, ang pinunuo ng Commission on Human Rights (CHR), at maging ang European Chamber of Commerce at civil society representatives.
- Latest