^

Police Metro

Pulis na pumatay sa mag-aama sa Caloocan sangkot din sa pagpatay sa 2 kabaro

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sangkot din umano sa pagpatay sa dalawang pulis-Caloocan ang napatay na si PO3 Ernesto Castillo matapos na gumanti ng putok ang isa sa mag-aama na kanyang pinagbabaril noong Miyerkules ng madaling-araw habang nag-iinuman.

Base sa record ng Caloocan City Police, nabatid, na naunang kinasuhan ng double murder at theft ang nasawing si PO3 Castillo dahil sa pagpatay sa dalawang miyembro ng  Caloocan City Police na sina SPO1s Tom Perez at Tirso Roncales noong Setyembre 4, 2012 sa Phase 8-B, Bagong Silang ng  natu­rang lungsod.

Kaya’t tumibay na si PO3 Castillo ang pumatay sa mag-aamang sina Manolito; Erickson at Audie Piccio matapos na ang nakuhang baril na .9mm na ginamit ng una laban ay ang service  firearm  na naka-isyu kay  SPO1 Perez, kasama ang dalawang M-16 at baril ni SPO1 Roncales.

vuukle comment

AUDIE PICCIO

BAGONG SILANG

CALOOCAN

CALOOCAN CITY POLICE

ERICKSON

ERNESTO CASTILLO

TIRSO RONCALES

TOM PEREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with